[[
Looking..
Looking
for
` You
]]
Thursday, May 18, 2006
Hello po ako nanaman ito si vince. bumagyo dito sa amin sa romblon at sa antipolo. nag-swimming kaming mga pinsan ko sa Loreland sa antipolo.nag-aaral si ate shayne sa alsh. lumipat ng bahay ang mga pinsan ko. birthday ngayon ni ate lotlot. naglaro kami ngayon nina hans, kyla at JC. malamig ang tubig ngayon. naglakad kami papuntang cherry at nakita namin si mama kaya pagod na pagod ako. pumunta si ate jamjam dito.
vince louis
vandalized @ 6:55 AM
Tuesday, April 25, 2006
nag-enroll na ako. yehay! pero hindi masaya ako sa sec. ko.dumating ang tito ko galing sa zambales.nag-boxing sa bahay.bumili kami ng yoyo, nag-bike kami ng kaibigan at pinsan.pinagalitan ako ng mama ko dahil dinukot ko ang piggy bank ko. masaya ako ngayon kasi hindi kami nag-away ni hans.nangapitbahay ulit kami at naglaro kami sa labas.tama na siguro. bye.
vince louis
vandalized @ 6:27 AM
Sunday, April 23, 2006
hello po ako si vince. nag-aaral po ako sa SBIS sa marcos hi-way. nag-bike po ako ngayon at nag-simba kami. ginawan ako ng ate ko ng blog.nangapitbahay ako sa mga pinsan ko at pumunta ako sa court.di ko gusto ang ulam ngayon kaya ang kinain ko ay tinapay at fresh milk.nagpunta ako sa children's church para maki-friend at mag-drawing.nag-online kami ng papa ko kanina. miss na miss ko na siya.kami ni ate shayne nagdesign ng picture ko na may ilaw pero mas marami akong ginawa dyan.nandyan ang mga pinsan ko na dumating sa summer ngayon. nag-laro kami sa church.bukas ulit. bye.
vince louis
vandalized @ 5:33 AM
<---design by chris @ http://cool.as/raindrops-->